Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

4 na paraan para makaiwas sa kanser

NARITO ang apat na paraan na makatutulong para maka­iwas sa kanser:

1. Tingnang mabuti ang inyong kinakain. Iwasan ang mga pagkaing klasipikadong processed food gayundin ang mga pagkaing matatamis. Damihan din ang pagkain ng mga gulay at prutas na “anti-cancer” gaya ng broccoli, kamatis, luyang dilaw, beans, lentils, berries, at mga madahong gulay. Gumamit ng extra virgin olive oil. Bumili ng organic meat. Uminom ng green tea araw-araw. Kung mayroong turmeric powder sa bahay, haluan nito ang mga ulam.

2.  Mag-ehersisyo ng 30 minuto araw-araw. Malaki ang maitutulong nito para makaiwas sa kanser. Maglakad, tumakbo, mag-gym, magsayaw, mag-zumba. Anumang physical activities ay mabuti sa katawan.

3. Ugaliing magpa-check up taun-taon. Magpasuri ng dugo, ihi, at pupu sa laboratory. Hayaang ang iyong doctor ang mag-request kung anong laboratory tests ang gagawin. Ang ultrasound sa tiyan ay makatutulong din upang malaman kung may namumuong tumor sa atay, bato, at iba pang organo.  Sa mga babae, gawin ang regular na pagpisil sa inyong suso para sa nagsisimulang bukol para makaiwas sa breast cancer . Magpa-pap smear para makaiwas sa cervical cancer. Sa kalalakihan, maiging sumailalim sa “digital rectal exam” para makaiwas sa prostate cancer.

4. Umiwas sa mga karaniwang sanhi ng polusyon sa ating paligid. Lumayo sa mga taong naninigarilyo. Huwag gumamit ng pesticides, insecticides, at ibang kemikal sa bahay. Iwasan ding gumamit ng plastic containers sa pag-iinit ng pagkain sa microwave oven kahit may nakalagay pang “microwaveable” ang naturang hard plastics.      

Anumang mapansing pagbabago sa katawan, sa pagdumi, sa pagkain, pagtubo ng bukol, sugat na di gumagaling, pananakit ng anumang bahagi ng katawan ay huwag balewalain. Magpa-check-up para makatiyak.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: