Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Obrero inutas sa muffler shop

Kinilala ang biktima na noon din ay nasawi na si Jonathan Bautista, tubong Pangasinan, stay-in trabahador ng DVE Muffler shop sa 8th at 9th Sts., 10th Avenue, Brgy. 93, ng naturang lungsod. File

MANILA, Philippines — Duguang bumulagta noon din ang isang manggagawa nang walang patumanggang pagsasaksakin ito ng isang ‘di na natukoy na suspek sa isang muffler shop sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.    

Kinilala ang biktima na noon din ay nasawi na si Jonathan Bautista, tubong Pangasinan, stay-in trabahador ng DVE Muffler shop sa 8th at 9th Sts., 10th Avenue, Brgy. 93, ng naturang lungsod

Inaalam naman ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng suspek na agad tumakas matapos ang pamamaslang.

Sa report na natanggap ni Caloocan City Chief Insp. Ilustre Mendoza, naganap ang insidente dakong alas-8:55 ng gabi sa naturang lugar.

Nabatid, na nagplano ang biktima at ang kanyang kasamahan na si Richard Sabangan na mag-inuman matapos ang kanilang trabaho sa shop, kaya lumabas siya  upang maghanap ng mabibiling alak.

Nang hindi nakahanap ng alak si Sabangan ay bumalik ito sa shop at la­king gulat na lamang nito nang bumungad sa kanya ang biktima na nakahandusay sa sahig, duguan at wala nang buhay.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Patuloy ang imbesti­gasyon ng pulisya sa natu­rang insidente.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: