Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Grade 11 dalagita pisak sa trak

Dead-on-arrival sa pagamutan ang biktimang kinilalang si Justinne Mariflor Sarmiento, 16-anyos at grade 11 student sa nasabing unibersidad dahil sa tinamong matinding pinsala sa katawan. File

MANILA, Philippines — Nasawi noon din ang isang dalagitang estud­yante ng Adamson Universtiy matapos siyang magulungan ng isang trailer truck sa may Paco Park sa Maynila kahapon ng umaga.

Dead-on-arrival sa pagamutan ang biktimang kinilalang si Justinne Mariflor Sarmiento, 16-anyos at grade 11 student sa nasabing unibersidad dahil sa tinamong matinding pinsala sa katawan.

Nabatid na dakong alas-11:00 ng umaga, nagtungo umano ang biktima sa Paco Park dahil sa isang aktibidad na gagawin kasama ang kanyang mga kaklase.

Bago sapitin ng dalagita ang naturang parke, hindi nito naiwasan ang isang papalikong trailer truck na minamaneho ng isang Rene Gerbert Perez, 33-anyos. Habang papatawid sa kalsada dahilan upang siya magulungan at pumailalim sa trak.         

Hindi umano napansin ng driver na nasagasaan ng mga hulihang gulong ng trak ang biktima dahil sa papaliko ang mahabang katawan ng trailer truck.

Nasa impounding area ng Manila District Traffic Enforcement Unit na ang truck na ipinahila sa wrecker habang nakapiit naman ang driver nito na inihahanda na ang isasampang kaso kaugnay sa pagkamatay ng estudyante.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: