Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Travel ban bahagi ng anti-corruption campaign

“I just signed an Executive Order banning travel. You let me know first and I will read, I need to know what you are going for… It’s part of the campaign against corruption. Not only done with malice but those who just want to spend money of government for nothing,” pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte. File

MANILA, Philippines — Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang nilagdaan niyang executive order kaugnay sa travel ban para sa executive department ay bahagi ng kampanya ng kanyang administrasyon laban sa korapsyon.

Ginawa ng Pangulo ang paglilinaw sa birthday celebration ni House Speaker Panteleon “Bebot” Alvarez sa Tagum City, Davao del Norte.

“I just signed an Executive Order banning travel. You let me know first and I will read, I need to know what you are going for… It’s part of the campaign against corruption. Not only done with malice but those who just want to spend money of government for nothing,” pahayag ng Pangulo.

Nais ng Pangulo na sinumang bibiyahe sa executive department ay dapat magsumite muna ng itinerary, synopsis o isang short memo kaugnay sa layunin ng biyahe.

Inihalimbawa ng Pa­ngulo ang pagbiyahe ng ilan sa iba’t ibang conventions, seminar sa labas ng bansa at maaari na aniyang umalis sa gobyerno ang nakabiyahe ng mahigit sa 12 beses.

 Nauna rito, nagpalabas ng isang memorandum si Executive Secretary Salvador Medialdea sa lahat ng department secretaries at pinuno ng mga ahensiya kaugnay sa pagbibiyahe ng mga opisyal ng gobyerno sa Executive department sa labas ng bansa.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

 

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: