Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Pay hike ng pulis, iwas-korapsyon-NCRPO

Sa ilalim ng Joint Resolution sa bagong salary scheme na pinagtibay ni Pangulong Duterte ang isang may ranggong Police Officer 1 (PO1) ay tatanggap ng P29,668 buwanang sahod na doble sa dati nitong tinatanggap na epektibo sa Enero 15, 2015. File

MANILA, Philippines — Matapos na ipagkaloob ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dagdag-sahod sa mga pulis, umaasa at positibo si National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief P/Director Oscar Albayalde na mas maeengganyo na tupdin ang serbisyo sa bayan at hindi na masasangkot sa anumang uri ng korapsyon ang mga tauhan ng Phillipine National Police (PNP).

Sa ilalim ng Joint Resolution sa bagong salary scheme na pinagtibay ni Pangulong Duterte ang isang may ranggong Police Officer 1 (PO1) ay tatanggap ng P29,668 buwanang sahod na doble sa dati nitong tinatanggap na epektibo sa Enero 15, 2015.

Nabatid na iprinayoridad ang mga PO1’s upang higit pa ang mga itong maging pursigido sa pagseserbisyo publiko at maiwasan na ang mga ‘loan sharks’ o ang kaliwa’t kanang mga pautang kabilang na ang pagsasangla ng kanilang mga ATM card.

“Siguro naman po ‘yan ay isang magandang motivation na para sa ating mga kapulisan na talagang ‘di na gagawa ng katiwalian o kung anumang kalokohan, lalo na sa korapsyon ”ani ni Albayalde.

Samantalang ang iba pang mga ranggo sa PNP ay makakatanggap din ng dagdag suweldo sa dalawang tranches na ang ikalawang umento sa doble suweldo ay epek­tibo naman sa Enero 15, 2019.

Nabatid naman na bukod sa PNP ay parehong dagdag suweldo rin ang matatanggap ng AFP, Bureau of Fire Protection (BFP) at iba pang mga uniformed personnels na pinondohan ng administrasyon ng P64.2 bilyon para sa taong 2018. — Angie dela Cruz

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: