Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Mister kinatay ng stepson

Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Mary Johnston Hospital ang biktimang si Benny Ramos, residente ng Gate 13, Area B, Parola Compound, Tondo dahil sa mga tama ng saksak sa dibdib at balikat at sa kaliwang bahagi ng katawan. File

Dahil sa nabasag na flat tv...

MANILA, Philippines — Nalagutan ng hi­ninga habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang isang 35-anyos na mister matapos itong pagsasaksakin ng kanyang manugang sa kanyang ka-live-in parter makaraang magkaroon ng mainit na kumprontasyon dahil sa nalaglag at nabasag na flat tv sa Parola Compound, Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Mary Johnston Hospital ang biktimang si Benny Ramos, residente ng Gate 13, Area B, Parola Compound, Tondo dahil sa mga tama ng saksak sa dibdib at balikat at sa kaliwang bahagi ng katawan.

Kusang sumuko naman sa Delpan Police Community precinct ng Manila Police District-Station 2 ang suspek na si Arturo Barrera Jr., nasa hustong gulang, may live-in partner at anak ng kinakasama ng biktima.

Sa ulat ni PO2 Jonathan Ruiz ng MPD-Homicide Section, dakong alas-8:00 ng gabi ng maganap ang insidente sa loob ng kanilang bahay.

Sa salaysay ng isang kaanak na si Maria Isabel, 19, nasa loob ng kuwarto ang suspek, at habang nasa labas naman ang biktima ay aksidenteng nalaglag at nabasag ang flat smart tv na nakakabit sa dingding ng kuwarto.

Dito ay nagkaroon na ng kumprontasyon ang biktima at ang suspek.  Sinisisi ng biktima ang suspek sa pagkakalaglag ng telebis­yon hanggang sa kumuha na umano ng kutsilyo ang suspek at walang patumanggang pinagsasaksak ang biktima.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Agad namang nakahingi ng tulong sa mga kapitbahay ang biktima na tumulong upang isugod ito sa ospital.

Sumuko naman kina PO1 Melvin Ilat at PO1 Jegie Azores at inihayag na bunsod daw umano ito ng matagal nang iringan nila ng biktima kung kaya’t nagawa niya itong pagsasaksakin.

Nakadetine na ang suspek sa himpilan ng MPD habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: