Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Pelicans pinapak ang Blazers; Warriors giniba ang Bucks

Sinupalpal ni Anthony Davis ng Pelicans ang layup ni C.J. McCollum ng Blazers.

NEW ORLEANS — Tinakasan ni Anthony Davis ang kanyang bantay sa pamamagitan ng isang behind-the-back dribble at nakumpleto ang isang three-point play.

Tila balewala sa All-Star forward na si Davis ang kanyang sprained right ankle.

Humataw si Davis ng 36 points, 9 rebounds at 2 blocks para banderahan ang Pelicans sa 119-113 panalo laban sa Portland Trail Blazers.

“His presence tonight, it was felt tonight throughout the entire game,” wika ni New Orleans cen­ter DeMarcus Cousins, humakot ng 24 points at 19 boards. “Throw him the ball and get out the way. That’s our finisher. That’s our scorer, so it kind of takes a load off of everybody on the floor. Easy target.”

Nagdagdag si Jrue Holiday ng 25 points para sa Pe­licans, tumipa ng 45-of-82 fieldgoal shooting at napuwersa ng Blazers sa 18 turnovers.

Pinamunuan naman nina Damian Lillard at C.J. Mc­Col­lum ang Portland mula sa kanilang tig-23 points, habang nagdagdag si Al-Farouq Aminu ng  19 markers at 11 rebounds

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Umiskor din si Jusuf Nurkic ng 19 points sa pa­nig ng Blazers.

Sa Milwaukee, kumamada si Kevin Durant ng 26 points at nagdagdag si Draymond Green ng 21 markers para pangunahan ang Golden State Warriors sa 108-94 panalo kontra sa Bucks.

Hindi naglaro si sharpshooting star Stephen Cur­ry dahil sa isang right ankle injury, hinigpitan ng Warriors ang kanilang depensa para pabagsakin ang Milwaukee.

Ang mid-range jumper ni Durant ang nag-angat sa Warriors ng 96-90 abante kasunod ang isinalpak na three-point shot ng All-Star forward sa huling 2:15 minuto ng fourth period patungo sa kanilang ika-11 sunod na road win.

Kumolekta si Giannis Antetokounmpo ng 23 points para sa Bucks, umiskor ng 12 points kum­para sa 28 markers ng Warriors sa fourth quarter.

Sa Phoenix, kumayod si point guard Chris Paul ng 25 points para banderahan ang anim pang Houston players na nagposte ng double figures at ihatid  ang Rockets sa 112-95 panalo laban sa Suns.

Ito ang ikaanim na sunod na laro ng Houston na wala sa aksyon si James Harden, kasalukuyang may hamstring injury.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: