Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Ateneo Blue Eaglets dumiretso sa ika-8 panalo

MANILA, Philippines — Bumangon ang Ate­neo De Manila University mula sa isang matamlay na first quarter para gi­­bain ang University of Santo Tomas, 78-54, sa UAAP Season 80 juniors basketball tournament sa Filoil Flying V Centre ka­hapon.

Ito ang pang-walong sunod na panalo ng Blue Eaglets para patuloy na pa­­ngunahan ang torneo.

Kinuha ng UST ang 18-13 abante sa first period bago sila nalimita­han ng Ateneo sa 9 points sa second quarter para aga­win ang 35-27 kalama­ngan sa halftime.

At matapos ito ay hin­di na nilingon ng Blue Eaglets ang Tiger Cubs.

Kumolekta si Dave Il­defonso, anak ni PBA le­gend Danny Ildefonso, ng 20 points para pamunuan ang Ateneo, habang humakot si SJ Belangel ng 13 points, 6 rebounds at 6 assists at naglista si Jason Credo ng 12 points, 6 boards at 4 assists.

Sumikwat naman sina Kai Sotto at Joaqui Manuel ng parehong 11 points at 12 rebounds para sa Blue Eaglets.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Binanderahan ni first round MVP race leader CJ Cansino ang UST mu­la sa kanyang 16 points at 12 rebounds

Dinaig naman ng National University, sa likod ng 21 markers ni Rhay­yan Amsali, ang nagde­depensang Far Eastern Uni­versity-Diliman,  86-81, at tinalo ng Adamson University ang UP Integrated School, 76-58, (FMLumba)

 

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: