Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Alvarado isa sa posibleng labanan ni Pacquiao sa Abril

Mike Alvarado

MANILA, Philippines — Isama na si dating world light welterrweight titlist Mike Alvarado sa mga posibleng labanan ni Filipino boxing le­gend Manny Pacquiao sa Abril.

Lumulutang ngayon ang pangalan ng 5-foot-9 at 37-anyos na si Alvarado (38-4-0, 26 KOs) para makasagupa ng 5’6 at 39-anyos na si Pacquiao (59-7-2, 38 KOs).

 Si Alvarado ay dating World Boxing Organization light welterweight titler-holder at nakasagu­pa na ang mga matitin­ding boksingero sa kanyang weight division.

Isa dito si Mexican boxing legend Juan Ma­nuel Marquez na tumalo kay Alvarado via unanimous decision para sa WBO International welterweight belt sa The Fo­rum sa Inglewood, Ca­lifornia noong Mayo 17, 2014.

Matapos matalo kay Brandon Rios noong Ene­ro ng 2015 ay apat na sunod na panalo ang ki­nuha ni Alvarado.

Ang kanyang mga bi­nigo ay sina American fighters Saul Coral, Josh Torres at Matthew Strode at Brazilian slugger Sidney Siqueira noong 2016 at 2017.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Nauna nang nagpa­ramdam ang kampo ni Bri­tish star Amir Khan kay Bob Arum ng Top Rank Promotions para sa posibilidad na makaharap si Pacquiao sa Abril.

Balak ni Arum na isagupa si Pacquiao para sa mananalo sa laban nina WBO welterweight king Jeff Horn ng Australia at American superstar Te­rence Crawford.

Tinalo ni Horn si Pac­quiao via unanimous de­cision para agawin sa Filipino world eight-division champion ang suot na WBO welterweight crown noong Hulyo 2 sa Brisbane, Australia.

Sa kabila ng pagkakaroon ng rematch clause sa kanilang kontrata ay hindi ito ginamit ni Pacquiao para mabawi kay Horn ang kanyang titulo.

 

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: