Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Beermen nilasing ang Texters sa Iloilo

Binangga ni San Miguel superstar center June Mar Fajardo si Moala Tautuaa ng TNT Katropa sa se­cond quarter ng kanilang laro. (PBA Images)

MANILA, Philippines — Ipinakita ng mga Beer­men ang kanilang ma­tibay na pu­so at eks­peryensa laban sa karibal na Tropang Tex­ters.

Ito ay matapos buma­wi ang nagdedepensang San Miguel mula sa 12-point deficit sa ope­ning period para angkinin ang 88-76 panalo sa 2018 PBA Philippine Cup kahapon sa University of San Agustin Gym sa Ilo­ilo City.

Humakot si four-time PBA Most Valuable Pla­yer June Mar Fajardo ng 20 points, 6 rebounds at 3 blocks para sa ikatlong sunod na ratsada ng Beermen.

Ito ang unang pana­lo ng San Miguel sa ka­nilang anim na paghaharap ng TNT Katropa sa pro­binsya.

Ang three-point shot ni 2017 PBA Rookie of the Year RR Pogoy ang nag­bigay sa Tropang Tex­ters ng 12-point lead, 24-12, sa huling 59 se­gun­do ng first quarter.

Sa likod nina Fajardo, one-time PBA MVP Arwind Santos at Marcio Lassiter ay naagaw ng Beer­men ang 63-61 ben­ta­he sa unang dalawang minuto ng fourth period.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Huling nakatabla ang TNT Katropa sa 71-71 ga­ling sa jumper ni Ryan Reyes sa 5:29 minuto ng labanan.

Naghulog naman ng 10-3 bomba ang San Mi­guel, tampok ang triple ni Alex Cabagnot, para ilista ang 81-74 kalamangan sa huling 2:03 minuto.

Nag-ambag sina Santos at Lassiter ng tig-15 mar­kers para sa Beermen kasunod ang 11 markers ni Cabagnot.

Binanderahan ni Troy Rosario ang Tropang Tex­ters mula sa kanyang 15 points, habang may 12 at 11 makers sina Moala Tautuaa at Pogoy, ayon sa pagkakasunod.

Samantala, parehong pun­tirya ng Magnolia at NLEX ang kanilang ikat­long panalo sa paghaha­rap nila ngayong alas-6:45 ng gabi matapos ang laro ng Alaska at Kia sa alas-4:15 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum.

“We cannot give up too many extra possessions like we did in our last game. We must also re­bound better than we did the last time,” sabi ni coach Yeng Guiao sa pag­sagupa ng kanyang Road Warriors laban sa Hot­shots.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: