Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Pangalawang Anino (324)

TUWANG-TUWA ang mangingisda sa milagrong kanyang nararanasan. “Hahahaaa! Mahirap nga ako buong buhay ko pero hindi lahat ay nakakatikim ng ganitong eksena! Ang ganda! Ang sarap!”

Natutuwang dahan-dahang ibinabalik ni Nanette sa bangka ang mangingisda.

“Sobra ang paghanga ko sa iyo, Miss! Anghel ka man o santa!”

“Mas hanga ho ako sa inyo. Kayo ang naglalarawan ng totoong tiwala sa Diyos ng Kabutihan. Wala kayong alinlangan na sumunod sa akin. Kaya di tulad ng mga disipulo nI Jesus Christ ng panahon na iyon sa bibliya, agad kayong nakakalakad at nakakatayo sa tubig. Dahil sa inyong paniniwala na buung-buo.”

“Maraming salamat uli sa pagligtas sa akin! Uuwi na muna ako at ibabalita sa aking pamilya ang milag­rong naranasan ko! At lalo ho silang magsisimba!”

“Salamat ho, Mang Jose.”

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

“Alam mo na kaagad ang pangalan ko?”

Ngumiti si Nanette. “Opo. Nagagawa ko rin po kaagad ‘yon. Na kilalanin ang mga tao sa kanilang pangalan kahit makaharap ko lang. Bumalik po kayo dito sa lawa bukas, magsama ng mga kaibigang mangi­ngisda. Marami-rami rin ho kayong mabibingwit, mga isdang nasa tamang panahon na para pakinabangan.”

“At ... oo nga pala, ligtas na ba dito sa lawa bukas?”

Walang alinlangang sumagot si Nanette. “Titiyakin ko ho. Huwag kayong maalala.”

Umalis nang masaya ang mangingisda sa lawa.

Nang mag-isa na lang siya, gumamit na naman ng kapangyarihan si Nanette. Inilabas niya sa tubig ang katawan ni Alona.

Saka bumulong ng dasal. “Hangin ng Diyos na makapangyarihan, maari bang dalhin mo sa bundok na banal ang makasalanang ito? Doon ay hindi siya makakaalis para manakit na naman ng mga ino­sente. Kailangan niyang maibilanggo sa lugar ng kabanalan.”

Mabilis na inilipad ng hangin ang walang malay na katawan ni Alona.

Pagdating sa bundok na banal, ikinulong ito ng hangin sa isang kuweba at isinara ang lagusan.

NARAMDAMAN ni Yawan ang nangyari sa kanyang ina. Nakita sa isipan ang lahat.

Galit na galit siyang napasigaw.

Hindi dahil sa awa kay Alona kundi dahil sa hindi matanggap na pagkatalo kay Nanette.-  ITUTULOY

    

 

 

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: