Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Remittance ng OFW

Habang nagtatrabaho bilang Overseas Filipino Workers (OFW) turuan ang miyembro ng pamilya na naiwan sa bansa na maging wise sa paggastos ng pinapadalang remittance.

Ipaalala sa mga bene­ficiaries na pamilya na huwag isipin na komo nagtatrabaho sa abroad ay madali na ang ginagawa ng OFW. Ipaunawa sa pamilya ang kahalagahan ng pagtitipid, pag-iipon, at huwag maging maluho kahit mayroong natatanggap na padala.

Hanggang maaari ay hamunin ang mga kapatid at mga anak na huwag umasa sa OFW. Kundi i-motivate ang family members na pagkasyahin ang budget at mag-ipon hanggang puwedeng, kaysa gumastos sa mga bagay o trip na hindi kailangan. Sa halip na puro hingi na lang ang naririnig ng mga OFW mula sa kanilang pamilya. Turuan silang magbanat ng sariling buto lalo na sa ibang pasaway na kapatid at kamag-anak. Ang tingin lagi sa OFW ay ATM o bangko na parang isang pindot lang ay agad-agad maglalabas ng dolyar na ipamumudmod sa iba.

 

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: