Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Kakaibang nilalang natagpuan sa ilog sa Australia

Isang pamilya sa Australia ang nakakita ng kakaibang nilalang habang sila ay nangingisda.

Kuwento ni Fethi Ada, nangingisda sila ng kanyang pamilya sa Hawkesbury River sa New South Wales nang biglang may pumaibabaw na nilalang malapit sa kanilang bangka.

Agad naman nilang nakunan ng video ang sina­nsabing kakaibang nilalang na animo’y tumingin pa sa kanilang kinaroroonan.

“It looked human the way it lifted its head up,” kuwento ni Ada. “It looked over towards us like ‘who are these people?”

Hinagisan daw ng kanyang kapatid ng pain ang nasabing nilalang pero natakot ito at biglang lumangoy pailalim.

Pero iba ang paniwala ng Secretary of Hawkesbury River Rescue na si Felicity Brownrigg, “It’s rare you actually get to see many (animals) as they stay below the surface.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

“My guess would be that it is a seal,” ayon pa sa kay Felicity.

Isa nga kayang seal ang nakita ng pamilya? Pero bakit ipinipilit nilang kakaiba ang nilalang na kanilang nakita? Kayo na ang humusga.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: