Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

‘Biyenan’ huling pumasok sa hotel IDAING

Dear Vanezza,

Nag-check in kami ng nobya ko sa isang motel. Bumaba ako sa parking lot dahil mayroong akong nakalimutan sa kotse. Laking gulat ko nang makita ko ang daddy ng nobya ko na may kasamang babae na pumasok din sa motel namin. Hindi ko masabi sa nobya ko ang nakita ko. Agad kaming lumabas ng motel at nagpunta sa ibang lugar. Proud pa naman ang nobya ko at takot sa kanyang daddy. Ayaw kong sa akin magmula ang isyu ng pangbabae ng daddy niya. Dapat ko bang sabihin sa kanya ang nakita ko? – Joal

Dear Joal,

Mas mabuting wala ka na lang nakita o nadiskubre tungkol sa kanyang daddy upang hindi sa iyo magsimula ang magiging problema. Hayaan na ang nangyari dahil walang lihim na hindi nabubunyag maaaring akala ng daddy niya ay walang nakakita sa kanya, pero sa mata ng Dios ay hindi siya makakatakas. Darating  din sa kanya ang karma, kaya huwag ka ng makialam sa problema ng kanyang daddy.

Sumasainyo,

Vanezza

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: