Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Dapat bang kaibiganin ang ex?

• Para sa akin, past is past. Ibig sabihin, kung naging ex mo na eh ‘wag mo nang balikan. ‘Wag mo na rin kaibiganin para rin sa iyong kapakanan. Mahirap ang maka-move on kapag naging kaibigan mo pa ang ex mo. Hindi naman kasi madali na itago ang nararamdaman sa taong minsan mo nang minahal. Kaya naniniwala ako na hindi dapat kaibiganin ang ex. – Marx, Makati

• Bakit naman hindi? Eh halos lahat nga ng ex ko naging barkada ko pa eh. Hehe. Sila ‘yung nagiging tanungan ko pa at labasan ng sama ng loob kapag may problema ako sa relationship. Ang saya kaya ng ganun. Kasi marami na siyang alam sa’yo, mas kilala ka niya at marami pa siyang payo na maibibigay kaya dapat kaibiganin mo ang ex mo tsong. – Nestor, Marikina

• Depende ‘yun siyempre sa break-up. Kung wala namang masamang nangyari sa inyo ng ex mo eh bakit hindi mo kaibiganin, ‘di ba? Kung okay naman kayo at mutual ang desisyon ng paghihiwalay hindi ibig sabihin nito ay you should burn bridges. Sayang ang connection, sayang ang friendship at emotions na nabuo. – Lance, Davao

• Dapat kaibiganin mo ang ex mo kahit hindi sobrang close. Maging civil ka lang at ‘wag mo siyang gagawan ng masama o sisiraan para hindi ka rin niya siraan sa iba. At baka ‘pag nangyari ‘yun ay ilabas niya lahat ng baho mo. Sige ka, baka mabunyag ang inililihim mong tsismis sa katawan hahaha. Maganda ring kaibiganin ang ex para sa iyong kapakanan. – Billy, Cagayan de Oro

• Ayoko nga! Pagkatapos akong huthutan nu’ng babaeng ‘yun kakaibiganin ko? Ano ako, sira ang ulo? Hinding-hindi ko kakaibiganin ang nag-iisa kong ex. Ang kapal ng mukha niyang babae siya, kung babae nga bang matatawag ‘yun! Ginawa ko ang lahat para sa kanya tapos lilimasin pala niya ang mga ipon ko para ipanglalaki! Over my dead body! – Hans, Bicol

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: