Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Dapat bang kaibiganin ang ex?

* Bakit naman hindi kung mutual ang desisyon ng paghihiwalay. Walang dapat na bad vibes ang maiwan sa dating magdyowa.  For sure aminado ang dalawa na hindi na sila masaya sa isa’t isa. Pero puwede pa rin maging friends. - - Malou, Davao

* Huwag nang makipag-friends, respeto na lang sa bagong nobyo ko ‘di ba. Para iwas away at selosan kapag nakipagkaibigan pa sa ex dyowa. – Len, Marikina

* Bakit ba big deal ang makipagkaibigan. Move on na mga ateng, maganda pa rin na wala kang iniiwasan. Not unless ay may itinatago ka pang feelings o galit kay ex. Or takot na baka mahulog muli sa dating dyowa. – Sunshine, Taal

* Hindi ha!! Hello! Bakit pa? Kaya nga kayo nagkahiwalay dahil ayaw ninyo na ang isa’t isa. Never noh! Hindi na ako magsasa­yang ng oras sa kanya.

– Maribeth, Cebu

* Bitter lang ang mga taong ayaw maki­pagkaibigan sa ex. Tiyak hindi naging maganda ang ending nila.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

– Maricel, Tacloban

* Basta ako nakiki­pag-friends sa mga ex ko. Kung hindi okey sa kanila, eh ‘di wag. Hindi ko ipipilit ang sarili ko.

– Sami, Palawan

Nasa pag-uusap na­man ‘yan. Puwedeng hindi kailangang ma­ging friends. Yung maging civil lang okey na. Para hindi ka magmukhang bitter at ipa­kita na sports ka pa rin lalo na kung naka-move on na. – Melz, Tanza

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: