Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Pangalawang Anino (323)

NANG ibato ni Alona ang puwersa kina Nanette, hindi ito tumama. Bumalik ito sa kanya.

Napasigaw si Alona.

Naging apoy ang puwersang gusto sana niyang ipatama kina Nanette, dahil nanggaling ito sa kanya.

Apoy ang laman ng puwersa ni Alona.

At sa pagbalik nito, nasusunog na ang halimaw na dating tao.

Napakalakas ng sigaw ng takot at sakit ang nagawa nito. “AAAAHHHHHH!”

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Natumba ito sa tubig at nawala.

Saka binalingan ni Nanette ang mangi­ngisda. “Okay lang po ba kayo?”

“O-Oo. Salamat sa iyo. Nagdasal ako at nagpadala nga ng sugo ng langit. Puwedeng magtanong?”

Napangiti si Nanette. “Ano po ‘yon?”

“Anghel ka ba o santa? Sabagay, pareho lang naman yata ‘yon.”

“Hindi na ho importante kung alin ako sa dalawa. Pero tao pa rin ho ako na sobrang nagmamahal at naniniwala sa mabuting Diyos.”

“Isa pang tanong. Nakalutang ka sa tubig, ano ang pakiramdam? Ako kasi bilang mangingisda ay lagi lang nakasakay ng bangka o kaya, nakakapaglakad man dito sa lawa, kailangan sa mababaw lang at nakalublob ang bahagi ng aking katawan. Ang ganyang nasa ibabaw ka ng tubig, ano kaya ang pakiramdam?”

Naaliw si Nanette sa kainosentehan ng isang mahirap na mangingisda.

“Gusto n’yo ho bang masubukan?”

“Naku, napakagandang karanasan siguro! Kaya ba?”

“Humawak lang kayo sa akin.”

Walang takot o hesitation ang pobreng mangingisda. Agad tumayo sa kanyang maliit na bangka.

Gumiwang ang bangka pero tuloy lang sa paghakbang ang mangingisda patungo sa nakalahad na kamay ni Nanette.

Nakahawak kaagad ang mangingisda  sa kamay ni Nanette.

Nang nakakapit na doon, wala pa rin alinlangan na agad inilabas sa bangka ang kanyang kanang paa.

Isinunod kaagad ang kanyang kaliwa.

Nakakapit pa rin siya kay Nanette. Buo ang tiwala at pananalig sa kapangyarihan ng Diyos.

At nakatayo sa ibabaw ng tubig tulad ni Nanette.

“Hahaha! Ang galing! Ito’y isang milagro na katulad ng nabasa ko sa bibliya. Si Hesus na naglakad sa ibabaw ng tubig patungo sa kanyang mga disipulo habang malakas ang galit ng panahon.”   - ITUTULOY

 

 

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: