Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Masamang kutob sa bf ni nanay

Dear Vanezza,

Tatlong taon nang namatay si tatay. Ngayon ay mayroong boyfriend si mama na 25 years old lang na kasing edad ko, samantalang 45 years old ang nanay ko. Hindi ko matanggap dahil feeling ko, pera lang ang habol ng lalaki kahit may maganda siyang trabaho. Pero nakikita kong masaya si mama sa BF niya. Hindi ko mapigilang magsungit sa BF ng nanay ko. Mali ba ang kutob ko? – Ruby

Dear Ruby,

Puwedeng ipaalam kay nanay ang iyong kutob. Kung hindi makinig si nanay,  hayaan mo na siya mismo ang magdesisyon sa kanyang lovelife. Ang mahalaga ikaw ay laging nakasuporta sa iyong nanay. Maaari mo rin kausapin ang BF ni nanay at sabihin sa kanya ang ayaw mo. Para patunayan niya sa iyo kung tapat nga siya sa nanay mo.

Sumasainyo,

Vanezza

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

 

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: