Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Goals at rules para sa mga anak

Tuwing magtuturo sa anak laging gawing positibo. Hamunin ang anak sa araw-araw ay dapat new day na pagkakataon na-reinvent ang sarili.  Importante na ma­ging reasonable sa itinuturo sa anak. Huwag magbigay ng maraming rules, kundi paiksiin ito sa konti kung saan puwedeng magpokus.      

Magbigay ng realistic na rules na angkop sa edad ng anak.  Maging concrete at dapat manageable. Ganundin kung mayroong goals ang anak na hindi dapat general, kundi i-encourage na maging specific na kayang matupad para hindi sila madismaya. Halimbawa ng realistic na goals ng anak ay kung gustong maging malinis o organize ang kuwarto. Gustong maging mas reader, o gumaling sa paglalaro ng basketball. Higit sa lahat ay gawing “fun” o kasiya-siya ang pag-abot ng goals at rules sa bahay.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: