Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Iodine pantanggal sa gasgas

Isa sa mga problema ng mga may alagang pusa sa bahay ay ang palaging pagkutkot nila sa mga gamit. Mapa-kahoy, kutson, kama, o karton ay hindi nakakaligtas sa kalmot ng inyong mga alagang pusa.

Pero ano nga ba ang solusyon dito bukod sa pagbili ng mga laruan nila para hindi na masira ang inyong gamit sa bahay?

Kung may upuan o lamesa kayong gawa sa kahoy na ginasgasan ng inyong puso ay maaaring gumamit ng iodine na nabibili sa mga botika. Kaunting patak lamang ang kailangan nito para matakpan ang nakutkot na kahoy. Ingatan lamang na huwag magkalat dahil matapang ang kulay ng kemikal na ito. Kung mas light ang paglalagyan ay dagdagan ng kaunting tubig para maging light ang kulay.

Ito po ang inyong Kumpunerong Kuya na nagsasabing, kung gusto ay maraming paraan!

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: