Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Petmalu ang sperm kapag malamig

Base sa isang pag-aaaral, mas malupet ang sperm kapag malamig ang panahon.

Kaya mga kuya, kung hindi pa ready, mag-ingat ingat sa galawan dahil petmalu ka sa mga panahong ito. Huwag gumaya sa mga lodi na tira lang nang tira… Esep-esep din.

Base sa ginawang research sa Ben-Gurion University of the Negev sa Irael, natuklasan nilang mas concentrated ang sperm at ang kakayahan nitong gumalaw spontaneously at independently ay mas malaki ang ibinababa kapag umiinit na ang panahon at muling lumalakas kapag lumalamig na ulit.

Nakita rin na mas healthy ang sperm kapag malamig ang panahon sa research kung saan 6,455 semen samples ang kanilang pinag-aralan sa loob ng tatlong taon.

Lumalabas na hindi maganda para sa mga sperm ni kuya ang mainit na panahon.

Dahil sa naturang research, nakita nila ang dahilan  kung bakit mayroon pattern ang birth rate.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Mas maraming ipinapanganak, siyam na buwan pagkatapos ng tag-lamig. (ITUTULOY)

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: