Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Sana dalawa ang puso ni mister

Dear Vanezza,

Pauwi na si misis galing Dubai para magbakasyon kasama ng dalawang anak namin. Nagkataon din na manganganak na ang GF ko. Ayaw kong masira ang pamilya ko, nagkataon lang na nalungkot ako kay misis. Hindi ko rin maiwan ang GF ko dahil sa pagpapahalaga niya sa akin. Sana dalawa ang puso ko. Ano ba itong napasok ko? – Marlon

Dear Marlon,

Isa lang ang puso, kaya mamili ka, ang pamilya mo o babaeng naanakan mo? Hindi katuwiran na nalungkot ka kay misis. Paano kong nalulungkot din si misis at maghanap ng iba? Ituwid ang pagkakamali, pero hindi ibig sabihin ay tatalikuran na ang obligasyon sa isisilang mong anak sa labas.

Sumasainyo,

Vanezza

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: