Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Excellent service sa customer

Ang pagpapahalaga sa relasyon sa pagitan ng customer at kompan­ya ay crucial sa luma­laking business.

Ang automatic at mabilis  na pag-post sa social media ng kaganapan sa paligid ay dahilan upang mas higit na importanteng bigyan ngayon ng atensyon ang mga customers.

Kahit anong oras na hindi nasiyahan ang customer ay bigla na lang itong magsi-share ng kanilang opinion sa mga tao sa pamamagitan ng social media. Tiyak na kapag na­ging trending sa online ay makakaapekto sa negosyo. Importanteng magbigay ng excellent na serbis­yo sa inyong mga customers para madebelop ang magandang relasyon ng kompanya nang magustuhan din nila ang produkto.

Magbigay ng effort upang magkaroon ng love sa pagitan ng kompanya at customer na makatutulong sa positibong imahe ng business na mapalawak na kumalat sa pamamagitan ng word of mouth ang negosyo.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: