Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Solusyon sa balat (birthmark)

BABALA: Kumonsulta sa doktor kung may allergies, kontra sa inyong maintenance na gamot, o kung angkop ang mga sumusunod na home reme­dy sa inyong kondisyon.

1. Magsawsaw ng cotton ball sa apple cider vi­negar at idikit ito sa balat sa loob ng isang minuto bago palitan ng bago. Ulitin ang proseso ng 10 hanggang 15 beses.

2. Magbalot ng 2-3 ice cubes sa isang manipis na tela. Idikit ito sa balat at iwan ng 10 minuto. Gawin ito araw-araw para sa mas mabilis na resulta.

3. Kumain ng mga prutas at gulay na mayaman sa vitamins A and C tulad ng mansanas, orange, bayabas, green leafy vegetables at herbs.

4. Magpahid ng lemon juice sa balat at iwan ng 10-12 minuto bago banlawang maigi. Gawin ito 2 beses sa isang linggo.

5. Magpahid ng tomato juice sa balat at iwan ng 20-25 minuto bago banlawan. Gawin ito araw-araw.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

6. Masahihin ang balat ng olive oil bago matulog. Banlawan at sabunin kinaumagahan at ulitin araw-araw.

7. Magpahid ng vitamin E sa balat at iwan ng 20 minuto bago banlawan. Gawin ito 3 beses sa isang linggo.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: