Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Benepisyo ng psychotherapy

Ang karaniwang maling pananaw ng mga tao patungkol sa depresyon ay parang madali lang mawala. Sa malas, ang mga indibidwal na nakararanas ng major depression disorder ay hindi ganun simpleng pinagdadaanan nito.

Bagama’t seryoso ang depresyon hindi naman ibig sabihin ay wala nang pag-asang gumaling ito. Kailangan lang alamin ang katotohanan at dapat gawin para ma-target na malabanan ang  disorder sa mas maikling panahon.

Dapat malaman na ang depression ay higit pa sa simpleng bad mood. Importanteng maintindihan ng mga pamilya, kaibigan, at kamag-anak ang nararanasan ng taong may depression na hindi ganun kadaling maging maayos ang pakiramdam.

Ang taong mayroong major depression ay kailangan ng professional treatment.

Ang depression ay mayroong mind/body issue na dapat parehong gamutin upang malunasan ang sakit. Iba’t ibang klase ng therapy o medication ang ibinibigay na depende sa tao.

Ang psychotherapy ang isa sa malaking benepis­yo sa mga depress na indibidwal para matulungan na malaman ang negatibong pag-iisip  na nakakasira kung bakit nakararamdam ng kawalan ng pag-asa ang pasyente.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Sa pag-under go ng psychotherapy ay upang magabayan na maibalik ang sense na maging masayang muli sa buhay.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: