Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Pagpapaputi ng ari nauuso sa Thailand!

Grabe na ‘to!

Isang bagong trend ngayon sa mga kalalakihan ang nauuso sa Thailand. Ito ay ang penis whitening procedure na ino-offer ng The Lelux Hospital.

Matatagpuan halos lahat ng pagpapaganda ng katawan sa murang halaga at ngayon nga ay ang nauusong penis whitening kung saan ginagamitan ng pigment-blasting laser ang maselang parte ng katawan para pumuti.

Nagsimulang mag-offer ang nasabing clinic matapos mag-request ang isang lalaking customer na gusto niyang magpaputi ng maiitim na parte ng kanyang maselang bahagi ng katawan.

Sa ngayon, ayon sa manager ng clinic na si Bunthita Wattanasiri, ay umaabot na sa 100 clients ang nagpapagawa nito sa kanila sa loob ng isang buwan. Karamihan umano sa kanilang kliyente ay mula edad 22 hanggang 55.

Ang nasabing procedure ay nagkakahalaga ng $680 sa bawat limang session.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Kamakailan lang ay naglabas ng mga larawan ng isang pasyenteng nagpapagawa ng nasabing procedure at mabilis nga itong nag-viral.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: