Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Gustong Tikman ang Ka-MU

Dear Vanezza,

Ako ay 18 years old at bilin ni papa ay bawal akong makipagrelasyon hanggang hindi pa ako tapos ng college. May ka-MU ako na classmate ko dahil bawal nga akong ligawan. Hindi ko siya kayang sagutin dahil takot ako kay papa. Kaso gusto ng classmate ko ng malinaw na usapan. Hindi na siya makapaghintay dahil senior high pa lang kami. Ayaw daw niya ng ginagawa naming pagtatago at hanggang holding hands lang ang kaya kong ibigay sa kanya. Pero gusto na raw niyang akong tikman. Kung hindi ko raw kayang  gawin ay maghiwalay na lang kami. Love ko na po siya pero hindi ko kayang bumigay dahil takot ako sa galit ng tatay ko. Ano ba ang gagawin ko? – Lizza

Dear Lizza,

Makinig ka sa payo ng iyong tatay upang hindi ka mapahamak. Bata ka pa, ituon muna ang iyong atensiyon sa pag-aaral. Kung hindi kayang maghintay ng isang lalaki, hindi ito tunay na pagmamahal. Lalo’t gusto ka lamang niyang tikman. Marami ka pang makikilalang lalaki. Mas magandang maghintay na makahanap  ng lalaking rerespetuhin ang iyong pagkababae at gagalangin ang bilin ng iyong tatay.

Sumasainyo,

Vanezza

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

 

 

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: