Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Fruit juice mataas ang sugar dapat din pag-ingatan

BURP FACT

Sa mga pa-healthy kuno riyan dahil bagong taon, bagong buhay na at gustong magpapayat eh ingat, ingat din.

Ang sugar kahit pa sabihing galing sa natural at hindi sa high-fructose corn syrup ay sugar pa rin. Kaya sa mga feeling na puro juice na lang ang iinumin para maging “healthy” aba, mag-isip-isip muna kayo. Hahaha.

Ang 8-oz. na baso ng apple juice ay mayroong 115 calories samantalang ang isang 8 oz. na bote ng Coke ay 95 calories lang. Gumuho ba ang mundo mo? Hahaha

Heto pa, ang isang tasa ng grape juice ay may 36g ng sugar na 9g na mas marami sa isang tasa rin ng Pepsi cola.

Kaya hinay-hinay pa rin sa pag-inom ng mga fruit juice ha, dahil baka ma-diabetes naman kayo. Burp!

Para sa mga suhestiyon tungkol sa pagkain at pagluluto, o kung mayroon ka­yong recipe na gustong ibahagi, maaaring mag-email sa burpnikoko@gmail.com

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: