Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Pinakamataas na talon

Uluma Bena o Kerepakupai meru sa mga lokal, ang Angel Falls ang itinuturing na pinakamataas na talon sa buong mundo. Ang nasabing yaman-tubig ay matatagpuan sa Canaima National Park, Gran Sabana region ng Bolivar State, Venezuela.

May taas itong 3,212 feet at crystal-clear ang tubig na dumadaloy dito.

Ang talon na ito ay isa sa sinasabing pinakamamagagandang tanawin sa buong mundo.

Hindi gaya ng iba pang magagandang tanawin, ito lamang 20th century nadiskubre ang Angel Falls.

Unang nadiskubre ang talon ni Ernesto de Santa Cruz noong 1910, pero noong 1937, isang piloto na nagngangalang Jimmy Angel ang nakakita sa magandang falls at sobrang nabighani ito sa nakamamanghang tanawin ng talon, bumulusok at nag-crash ang minamaneho niyang eroplano rito.

Naka-survive sa aksidente si Jimmy at ang anim pang sakay nito.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Pagkatapos ng aksidente, sumikat si Jimmy Angel sa lugar at sa tuwa ng mga taga roon ay ipinangalan nila mismo kay Jimmy Angel ang talon na ngayon nga ay Angel Falls na.

Sa Angel Falls din inspired ang Paradise Falls ng Disney animated movie na UP.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: