Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Paano Sirain ang Future ng Anak?

Part 2

Madali lang sirain ang future ng mga anak ayon sa mga psychologists.

Ano ba naman yung gawing priority ang panga­ngailangan ng anak kaysa sa asawa. Kapag umiyak ang anak takbuhin agad ito. Kapag siya ay nang-iistorbo, ibigay ang buong atensiyon.

Planuhing lutuin ang paborito lang niyang ulam. Walang batang kakain ng hindi niya gusto. Kapag ayaw niya ng ulam, lutuan na lang siya spaghetti, o bilhan ng pagkain sa mga sikat sa foodchain.

Ilista ang anak sa mas maraming extracuricular activities na gusto niya. Kahit kapalit na i-give up ang mga regular na plano ng magulang. Okey lang kahit hindi siya makasama sa hapunan. Hayaan siyang maglaro hanggang gusto niya. Dahil ayaw mong ma-miss ng anak ang liga.

Huwag disiplinahin ang anak kapag umaastang bastos. Dahil dapat matutong siyang i-express ang emosyon sa sarili niyang paraan gaya ng pagdadabog at pasagut-sagot.  Lalo na kapag nagdi-demand o mayroong hinihingi. Matutuwa pa sa kanyang pagiging mapilit na masunod ang gusto kahit  ipangutang sa iba.

Huwag mag-alala kapag nakikipag-away ang  bata sa anak ng kapitbahay. Kahit ang anak mismo ang bully. Tutal ang buhay ay hindi patas, kailangang hindi nagpapatalo. Dapat bata pa lang ay marunong nang lumaban.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Kapag nakikipagtalo ang anak sa teacher, laging kampihan ang anak. Ang magulang ay hindi dapat  sumisipot sa school kapag pinapatawag dahil kaila­ngan kausapin ng teacher.  Dahil tiyak magbibigay ng disciplinary action ang teacher na ikasasama lamang ng loob ng anak.

Huwag i-share ang pananampalataya sa anak. Dahil ayaw mo siyang ma-offend. Hayaan magdesisyon ang anak kung kailan niya gustong makinig ng Bible story. Huwag i-pressure ang anak na mag-memorize ng  Bible verses. Baka madismaya kapag hindi agad nakuhang magkabisado ng anak. Higit sa lahat ay huwag ipaalam sa anak na mayroong Panginoon na makapangyarihan kung saan tayo mananagot.  Dahil mahirap intindihin hindi na lang ituturo sa anak dahil masyado pa siyang bata. Hayaan siyang huwag maging independent at huwag turuan na piliting maging mabuting bata o isang indibidwal.

Simple lang na wagas din dahil tiyak na walang magandang kinabukasan sa pagkukunsinte sa mga maling kagustuhan ng mga anak.

 

 

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: