Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Babaeng may dugong Indian, nag-ala Disney Princess

Hinangaan ang kakaibang paandar ng model at make up artist na si Hamel Patel na isang Indian pero nakatira sa North Carolina.

Bilang  ‘tribute’ sa kanyang pinagmulan ay nag-ala Disney princess siya upang ipakita sa lahat na bagay sa mga Indian gaya niya na karamihan ay mga morena at may kalaliman ang mata, ang maging prinsesa.

Pagkatapos niyang i-post sa Instagram ang kanyang make up transformation ay katakut-takot na likes at comment na puro positibo ang nakuha nito.

Ayon sa kanila, bagay na bagay sa kanya ang maging prinsesa. Binigyan nito ng bagong twist ang mga Disney princess.

Ayon kay Hamel, noong bata pa raw kasi siya ay pinangarap niya na sana ay may Disney princess na kamukha niya at ang ginawa niya ay para rin sa mga bagets na may lahing Indian.

 “Growing up I always wished there was a Disney Princess I could relate to, one that represented where I came from,” sey niya sa Instagram. “Introducing outfits/makeup looks inspired by the eight original Disney Princesses we all grew up watching, with a little desi twist!”

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: