Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Gf naglabas ng galit, JC ‘di raw dapat pagkatiwalaan!

JC

Kahapon lang yata namin nabanggit iyong statement ni JC Santos na nagkakalabuan sila ng kanyang girlfriend na si Teetin Villanueva. Nagulat kami nang malaman namin ang other side of the story, mukhang mas malala ang problema kaysa sa sinabi ni JC na parang tampuhan lang.

May sinabi ang girlfriend ng lead star ng Mr. & Mrs. Cruz, “he’s not to be trusted. There is no way we’re getting back together again”. Iyan mismo ang sinabi ni Miss Teetin, na siya namang nagsimula ng ispekulasyon na posibleng mayroong isang third party involved. Pero malaking kalokohan naman na ang pagbintangan nila ay ang kanyang partner sa pelikula na si Ryza Cenon, dahil alam naman ng lahat na may boyfriend siya, si Cholo Barretto. Kaya palaisipan din kung sino ang posibleng third party kaya ganoon na lang ang ngitngit ni Teetin.

Pero sa ganyang statement, aywan nga kung magkaroon pa sila ng reconciliation, pero marami ang naghihinayang dahil four years na pala silang on bago nangyari iyang pagkakagalit nila.

Daniel mas sikat kesa kay Kathryn sa Vietnam

Kung dito sa atin nababaliw ang maraming mga babae sa mga actor na Koreano, baliktad naman pala sa Vietnam kung saan sinasabing sikat na sikat ngayon si Daniel Padilla, dahil sa mga serye niya sa telebisyon na ipinalalabas doon. In fact, kinilala pa siya ng isang award giving body doon dahil sa kanyang popularidad. Kagaya rin dito, mas hinahabol ang mga artistang lalaki sa TV kaysa sa mga artistang babae.

Tingnan ninyo rito, hindi ba mas alam nila ang mga pangalan ng mga actor na Koreano, at ni hindi nila halos kilala ang mga leading lady nila? Ganoon din naman sa kaso ni Daniel sa Vietnam na mas kilala siya kaysa sa kanyang ka-love team na si Kathryn.

Matteo naging unfaithful kay Sarah?!

Tahimik nga lang at wala halos controversy iyang si Matteo Guidicelli, na kung makikita mo ang mga social media posts ay puro promo lamang ng kanyang album. Tahimik din naman ang kanyang lovelife, dahil alam naman ng lahat na nagkakamabutihan na sila ng kanyang girlfriend na si Sarah Geronimo. Mukha namang tanggap na tanggap ng kanyang pamilya na bahagi na nila si Sarah, kahit na minsan mukhang may kaunting objections pa rin ang nanay ni Sarah sa seryosong pakikipagrelasyon ng anak.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Pero lately, nagkaroon pa rin ng intriga. May nagkalat na bago raw mag-Christmas ay may nakakita kay Matteo na may ka-date na ibang babae. Kinilala pa nila ang babae na isa raw professional model, na ang pangalan ay Sasha Tajaran. Si Sasha ay taga-Cebu rin, at doon ay isa ngang kilalang model.

Pero nang magsimula nang kumalat ang tsismis, si Sasha na mismo ang nagsalita at nagsabing hindi totoo ang mga tsismis na iyon. Inamin niya na bago nag-Pasko ay nakita nga niya si Matteo sa Craftcafe Bar sa Cebu, pero ang kasama raw niya ay ibang mga models at ni hindi nga siya napansin ni Matteo.

Nagkakilala raw sila ni Matteo nang minsang makasama rin siya sa isang indie film noon. Pero mukhang hanggang doon lang din naman ang kanilang pagkakakilala. Ni hindi niya sinabi na naging makaibigan sila. Si Matteo naman, mukhang walang narinig sa mga tsismis na iyon at hindi na lang kumikibo.

Pero tingnan ninyo sa show business, maski na ang mga nananahimik na tao natsitsismis.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: