Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Pagpapaka-nanay ni Sylvia iniyakan ni Roselle Monteverde

Sylvia at Sofia

Napaiyak si Roselle Monteverde nang panoorin niya ang picture lock copy ng ope­ning salvo for 2018 ng Regal Entertainment, ang Mama’s Girl.

“Napaiyak ako dahil ‘yung mga eksena, napaka-natural. You can really feel. As a mother, I have also a 21-year-old daughter. Na alam ko ang nararamdaman ng isang nanay pag nakikita ko.

“And as a daughter also, narararamdaman ko rin na nu’ng bata ako, did I receive the same attention as what Mama Mina (Sylvia Sanchez) in this movie? So marami eh.

“So if I got that attention or I did not get that attention, nandito pa rin ako. I was the one who helped myself and at the same time, with the advices of my mom, whether or not you will follow, nandoon lang ‘yon. I will hound you everyday naman eh.

“Parang inilalagay ka sa lugar na, ‘Tama ba ‘yung ginagawa ko o mali?’ At least, kahit alam mong tama o mali ‘yan, dahil ‘yan sa advices ng parents mo,” rason ni Roselle sa blog con ng movie.

Saad naman ni Mother Lily, “She’s a very good daughter! She always obeys.”

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Kaya naman kahit na nga binabaha na ang movie industry ng kuwento ng mga hugot at kabadingan, pinili niya ang MM bilang pambuwena-manong handog ng Regal.

“It’s not a movie na pangangaralan ka lagi. Ang ganda lang talaga panoorin nu’ng natural na pag-handle ng director natin with the artists involved. Ang gagaling nila. Sabi ko nga, ‘Wow, ang galing ng chemistry ng buong team!’” pagmamalaki ni Roselle.

Hindi lang si Sylvia Sanchez ang nagbabalik sa Regal sa Mama’s Girl kung hindi pati ang magaling na writer na si Gina Marissa-Tagasa. Pero itong MG ang pinakamalapit sa puso niya dahil family drama na, eh, meron din siyang anak na millennial.

Sa ngayon, matapos mag-retire sa ABS-CBN, balik siyang muli sa GMA 7 pero bilang consultant na sa entertainment TV. Galing naman siya sa Kapuso Network bago napunta sa kabilang network.

Biro ni Manay Gina, “Parang si Atom Araullo lang ang peg! Ha! Ha! Ha!”

Gaya ni Atom, una muna siyang lumabas sa GMA nu’ng bagets pa siya, pumunta sa ABS-CBN at ngayong ay balik-Kapuso na rin siya.

“Obsessed kasi kasi ako kay Atom kaya sinundan ko siya! Ha! Ha! Ha!” hirit na biro pa ni Gina.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: