Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Ni-raid ang sariling bag, Kris panay ang ​eksena ​sa social media

Kris

Luma-live na rin si Kris Aquino sa Instagram. Nag-live video siya last Friday night habang papunta siya sa meeting ng kanyang bagong endorsement. ‘Kaaliw dahil naghahanap siya ng mga tanong ng netizens sa kanya sa video dahil sasagutin daw niya ang mga question.

May nagtanong nga kung saan siya pupunta at ikinuwento nga niya na nakatakda siyang pumirma ng isang endorsement sa isang Japanese product na sobrang proud siyang i-endorse.

Pinatay niya ang live video nang dumating siya sa venue at muling nag-live nang nasa sasakyan na siya ulit dahil tapos na raw ang meeting at contract signing.

Nagbiro siya na “they paid well” sabay-tawa.

May nagtanong kung ano ang latest sa kanya at inisa-isa niya ang schedule for next week na in all fairness ay punong-puno pa rin.

Ini-reveal niyang may meeting daw siya sa Wednesday with direk Paul Soriano dahil after watching Siargao ay nagsabi ang direktor sa kanya na mayroon siyang concepts for her at excited na raw siya.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Ang haba ng IG live ni Kris at may nag-request pa ng bag raid at game rin niya itong ginawa. Inisa-isa niya talaga ang laman ng kanyang bag.

Halatang-halata talaga na nami-miss ni Kris ang dumaldal sa audience at obvious din na ito talaga ang gusto niyang gawin – ang makipag-communicate sa audience at magdaldal ng kanyang mga opinions and what-have-yous na dati nga namang nagagawa niya on TV.

Kambal ni Jinkee pinatunayang nakapiling si Ji Chang Wook

Totoo ngang nagkita sina Jinkee Pacquiao at Korean actor na si Ji Chang Wook. Marami na kasi ang nagdududa kung totoo ngang nagkaroon ng dinner date ang dalawa tulad ng kuwento ng veteran columnist/ta­lent manager na si Nay Lolit Solis dahil up to now ay hindi pa nagpo-post ang misis ni Manny Pacquiao ng larawan nila ng aktor.

Pero nag-post sa kanyang IG story ang twin sister ni Jinkee na si Janet Jamora and yes, kasama niya nga si Ji Chang Wook.

Sa larawan ay isinulat ni Janet na “happy to meet you when I’m in Korea”.

So it goes without saying na talagang naka-dinner date nila si Ji Chang Wook na idol na idol ni Jinkee.

Pero siyempre, hinihintay pa rin ng lahat ang pagpo-post ni Jinkee ng larawan nila ni Ji Chang Wook na magkasama.

Kuya Angel may balita​

Isa sa maipagmamalaki ng DZRH (ang pinakamantandang radio station sa bansa) ang award-winning broadcaster (KBP Broadcaster of the Year 2014 and Golden Dove Awards Best Newscaster for several times) na si Angelo Palmones.    

Kuya Angel, as friends and colleagues address him, is a topnotch newsman who came from the ranks and paved his way up to the top. Naging station manager siya ng DZMM for many years before he resigned when he run for public office as Representative under Agham Party List.

Pagkatapos ng kanyang political stint ay bumalik siyang muli sa kanyang ultimate love which is broadcasting, this time with DZRH. At nagsimula na nga last Jan. 8 ang programa niyang RH Balita (5:00-7:00 a.m. Monday-Friday) with Henry Uri. Ito ay napapakinggan simultaneously over Radyo Natin FM nationwide.

Bukod dito, si Angelo pa rin ang mapapakinggan sa kasunod na time slot, 7:00-7:30 a.m., Mondays to Fridays, replacing Joe Taruc’s morning slot. Ito ay ang Pangunahing Balita with broadcast veteran Deo Macalma, the Mayor of Star City.

Para kay Angelo, napalaking hamon para sa kanya ang palitan ang time slot ni Joe.

“These are very big shoes to fill. Dr. Joe Taruc is an icon. It’s a very challenging opportunity to be on his seat!”, sambit ni Angelo.

Well, marahil ay hindi alam ni Angelo na isa rin siya sa itinuturing na “yaman” ng broadcasting industry and the bosses seems to be very much aware of it kaya naman siya ang inilagay na kapalit ni Manong Joe.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: