Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Claudine bagong spokesperson ni Mark Anthony!

Mark at Claudine

Hindi pumipirma ng kontrata sa Viva Artists Agency si Mark Anthony Fernandez pero pumutok agad ang balita na talent na siya ng Viva dahil kay Claudine Barretto.

Na-excite yata si Claudine nang magkita sila ni Mark sa opisina ng Viva Films sa Tektite Building kaya may-I-post niya agad sa social media ang “Welcome to Viva Mark!”

Mabilis na pinik-ap ng mga diyaryo at entertainment website ang social media post ni Claudine. Ni hindi sila nagtanong kung pumirma na ba ng kontrata si Mark sa Viva dahil naki-welcome to Viva na rin sila kay Mark.

Kalalabas lamang ni Mark sa kulungan noong December 2017 at dahil kontrobersyal, news ang bawat kilos niya at ang kanyang mga statement.

Hindi pa nagpapainterbyu si Mark sa entertain­ment press. Si Claudine pa lang ang nagsasalita tungkol kay Mark kaya parang siya ang spokesperson ng ex-boyfriend niya.

TOTGA buena mano sa sosyal na resort

Bukas na ang pilot telecast ng The One That Got Away, ang primetime teleserye ng Kapuso Network na pinagbibidahan nina Dennis Trillo, Lovi Poe, Rhian Ramos, at Max Collins.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Maraming pondo na episodes ang The One That Got Away dahil nakapag-advance taping ang mga bida kaya nakapagbakasyon pa si Dennis sa Bohol, kasama ang kanyang girlfriend na si Jennylyn Mercado.

Beach resort naman sa Palawan ang pinuntahan ni Lovi at ng boyfriend nito na si Chris Johnson bago nagkaroon ng grand presscon ang The One That Got Away.

Kinunan ang opening scene ng The One That Got Away sa sosyal na Thunderbird Resorts sa Poro Point, La Union kaya ito ang binalikan ni Max Collins at Pancho Magno pagkatapos ng Christian wedding nila sa isang hotel noong December 11, 2017.

Bonggang-bongga as in world-class ang Thunderbird Resorts na pag-aari ng television executive na si Kitchie Benedicto.

Panoorin n’yo bukas ang unang episode ng The One That Got Away para makita ninyo kung gaano kaganda ang Thunderbird Resorts na worth na puntahan, kahit may kalayuan.

Ang sabi ng mga nagbakasyon sa Thunderbird Resorts, maikukum­para ito sa magagandang tanawin sa Santorini, Greece kaya hindi na kailangan pa na umalis sa Pilipinas at gumastos nang malaki.

Dedma sa bintang na bakla, Markki may amnesia?!

Maganda ang attitude ni Markki Stroem sa detractors at bashers niya dahil dedma-to-the-max ang drama niya.

Tama ang ginagawa ni Markki dahil wala rin naman mangyayari kung sasagot siya at ipagtatanggol niya ang sarili laban sa mga nagdududa sa kanyang sexual preference.

Nakakundisyon na ang isip ng haters niya na totoo ang mga tsismis tungkol sa kanya kaya pointless na makipagsagutan siya.

Disente at magalang ang impression ko kay Markki nang makilala ko siya noong nagtatrabaho pa siya sa kompanya ng BFF ko na si Pinky Tobiano. Hindi pa siya hubadero noon sa mga underwear fashion show at hindi daring sa mga pictorial. Singing pa lang ang pinagkakaabalahan noon ni Markki kaya ipinag-produce siya ni Mama Pinky ng concert sa Music Museum.

Bumilib ako kay Markki dahil kahit may showbiz career na, working pa rin siya bilang empleyado ng Qualibet.

Isa lang ang reklamo kay Markki ng mga tao na nakikilala niya, maiksi ang kanyang memorya na very common sa mga showbiz personality na may mga sakit na selective amnesia.

 

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: