Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Maja umamin, pero ayaw ilantad ang boyfriend na negosyante!

Maja

Sa kabila ng kabisihan niya bilang Ivy Aguas/Lily Cruz ng super trending na afternoon serye na Wildflower, nagawang magbakasyon ni Maja Salvador sa Canada at New York nung nakaraang holidays.

One week siya sa Canada with her mom and one week with her siblings sa New York.

Ayon kay Maja, every year ay ginagawa niya ‘yun bilang reward na rin sa araw-araw niyang pagtatrabaho.

Samantala, hindi na itinanggi ni Maja ang relasyon sa isang non-showbiz businessman.

Kaya lang ayaw mag-elaborate ng aktres. Ayaw niya halos pag-usapan nang tanungin namin kahapon sa presscon ng kanyang concert tour na Maja on Stage na mag-uumpisa sa Cebu on February 4.

Anyway, ngayong 2018 ay magpapaka-performer si Maja. Babalik siya sa concert scene via Maja On Stage na mag-uumpisa sa Cebu, IEC Convention. Susundan ‘yun ng concert sa abroad at The Big Box East Jurong, Singapore sa Feb­ruary 18, 2018. Pagdating ng March ay ang kanyang fourth major show sa KIA Theater on March 23.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

For tickets on Maja On Stage in Cebu sa February 4, just call Mav at 0926-0747776 / 02-4307870, Christina 0937-2506848, Robinsons Galleria 0932-5110962, Rallion at 09219221796 and IC3 Office: 343-4854.

For Tickets in Singapore on February 18, 2018 please call 914-401-87.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: