Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Heart emosyonal sa pamamaalam sa ‘pamilya’

Heart

MANILA, Philippines — Naging emosyonal si Heart Evange­lista sa pamamaalam ng kanyang teleseryeng My Korean Jagiya. Napakala­king halaga para sa kanya ng show na ito na sobrang naramdaman niya ang closness ng mga artista at crew na bumubuo sa show. Naramdaman daw niya sa puso niyang muli ang pagiging artista.

Para sa isang prime actress na kagaya niya, iisiping isang ordinaryong trabaho lang ang mapasama sa teleserye pero iba ang naramdaman ni Heart. Nabalik ang puso niya sa pag-arte at talagang naging pamilya na ang turing niya sa lahat ng bumubuo ng My Korean Jagiya.

Kaya naman nagtagal ang show at bumongga ang ratings.

Nar Cabico lumutang sa tuwa nang makatabi si Regine

Busog na busog si Nar Cabico nang mabisita siya sa Sarap Diva, pero hindi lang ng pagkain kung hindi ng motivation at inspiration. Pagkatapos kumanta ni Nar ng Gaga at Natapos Tayo, umapaw ang kilig na naramdaman niya nang makapagpa-picture siya with none other than Regine Velasquez-Alcasid. Para nga naman kasi sa mga rising recording artists, isang malaking karangalan ang makasama ang Asia’s Songbird.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: