Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Maine at Alden kailangan ang isa’t isa!

AlDub

MANILA, Philippines — Marami ang nagsasabi na sana ay magkaunawan na ang pareha nina Maine Mendoza at Alden Richards kesehodang may kinasangkutan silang isyu bago matapos ang 2017.

Sa totoo lang kahit kanino ipareha si Alden, still si Maine pa rin ang barahang alas ng aktor. Remember, noong una pa lang nilang pagsasama sa Sugod Bahay segment ng Eat Bulaga ay humakot na sila agad  ng maraming tagahanga.

Akalain din bang mapupuno nila ang Philippine Arena dahil sa gimik na magsyota ang dalawa.

Mapapansin na magbuhat noong sumikat ang dalawa ay parang inaakala ng kani-kanilang kampo na puwedeng ipareha sa iba porke’t mga sikat na sila.

Nagkamali ang sapantaha nila dahil si Alden ay hindi puwedeng ipareha sa iba ganun din si Maine.

Still, kailagan pa rin nila ang isa’t isa.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Nora at Sharon inaabangan kung matutuloy sa pelikula

Sa isang showbiz event ay nadinig naman namin ang kuwentuhan ng bayan kung matutuloy daw ba ang project ng BG Productions ni Ms. Baby Go. Ito ‘yung proyektong mo­vie na pagsasamahan nina Superstar Nora Aunor at Megastar Sharon Cuneta sa direction ni Mel Chionglo at isinulat ni Bb. Lualhati Bautista, kilalang nobelista ng Liwayway magazine noong araw.

Sana raw ay matuloy na ito dahil tiyak na dudumugin ito ng Noranians at Sharonians.

Masuwerteng producer si Ms. Baby Go na baguhan pa lang pero kilala na halos lahat ng showbiz people. Marami na kasi siyang indie films na naiprodyus at umagaw ng pansin sa mga manonood.

Mapalad si Ms. Baby dahil pag nagkataon dahil siya lang ang producer na mapagsasama ang Superstar at Megastar sa isang pelikula. Bihira lang ang movie producer na makakagawa nito.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: