Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Shaina at Piolo sabay nagkaroon ng bagong bahay!

Shaina

Sa kanyang bagong tayong bahay na pala, na of course ay undisclosed ang location, nakatira ngayon si Shaina Magdayao.

Hindi pa raw ga­a­nong furnished at de­corated ang bahay. Na ayaw din of course, madaliin ni Shaina.

Sa Monday, January 15 na mag-i-start ang airing ng kanyang bagong series na Asintado, kung saan for the first time ay gaganap siyang all-out kontrabida kay Julia Montes, na gaganap na kanyang sister.

Also in the cast of Asintado are Paulo Avelino and Aljur Abrenica plus vete­ran performers Lorna Tolentino, Gloria Sevilla, Agot Isidro, Nonie Buencamino, and Cherry Pie Picache, among others.

Sa direction ito nina Lino Cayetano and Onat Diaz.

Si Piolo na lang ang hinihintay Inigo payag maging stepmom si Shaina!

Like Shaina, sa kanyang bagong bahay din nagpalipas ng Pasko at Bagong Taon sina Piolo Pascual, his son, Inigo and other members of his family. Sa isang pribadong subdivision din daw ito.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Well, tulad ni Shaina, tanging comment sa relas­yon nila ngayong dalawa ni Piolo ay close sila. They can share secrets daw, na silang dalawa lang ang nakakaalam.

In a previous interview, though, nabanggit daw ni Inigo, that he will welcome the idea of having Shaina for a future stepmom.

Julio Diaz, pinatay, bubuhaying muli sa hapon!

Na-dead na ang character na ginagampanan ni Julio Diaz sa FPJ’s Ang Probinsyano, which Coco Martin topbills.

Julio need not worry, though, since may magandang role rin siya sa Asintado. Besides, like in FPJ’s Ang Probinsyano, feel ni Julio na he is in company sa mga makakasama niya sa Asintado.

Well, keep up the good work, Julio.

Mark hindi na kayang magpigil, umaming binabae?!

Totoo, nga kaya, Salve A., na sort of a revelation about himself, his true gender, especially, ang highlight ng book, Beyond The Mark, na isinulat mismo ng actor-singer na si Mark Bautista, which repor­tedly will be released soon?

Mark, if you recall, placed first runner-up sa singing contest kung saan si Sarah Geronimo ang itinanghal na champion. Like Sarah, he was also signed up by Viva Films, which, in all fairness, gave him also the omplish for his family dahil nga sa mga kahit papaano ay na-achieve niya sa    kanyang showbiz career.

Stable na ang kalagayan ng kanyang pamilya kung kabuhayan ang pag-uusapan. Kaya, feeling niya ay mauunawaan ng kanyang pamilya ang desisyon niya to finally tell all about himself.

Aktor na hindi matanggap ang kabadingan, ‘di rin umubra sa babaeng pinakasalan

Naalala naman namin ang isang older actor, now still active in showbiz na for a time ay ‘di obviously matanggap ang kanyang tunay na kasarian, kaya nag-asawa pa ng isang disenteng babae na may kinalaman din sa showbiz ang pamilya.

Nauwi sa hiwalayan, as expected, ang pagsasama ng mag-asawa. Mabuti na lamang, pasalamat ng mga close sa babae, ‘di nagbunga ang kanilang short-lived na kung sabagay ay legal naman sanang relasyon.

Edu atat na rin sa magiging apo kina Luis at Jessy

Wow Salve A., kahit pala si Edu Manzano, like Ate Vi (Lipa Representative Vilma Santos-Recto) is eager na magkaapo sa kanyang panganay na si Luis Manzano.

Luis, in all fairness is vocal about his desire na pakasalan na si Jessy Men­dio­la, with whom, according to Luis, he has been going steady with for nearly three years. After all nga raw, he will soon turn 37 in April.

But Jessy, at 25, obviously ay may mga balak din para sa kanyang sarili na gusto niyang ma-accomplish. Isa sa mga ito ay ang maging scriptwriter, since, right now, she is taking up scriptwriting class sa noted movie-TV writer cum scriptwriter Ricky Lee.

And of course, she still wants na maging active sa showbiz.

Personal…

Happy birthday to Kane Errol Choa, head of Corporate Communications, ABS-CBN, who turns a year older today, January 13.

 

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: