Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Juday at Angelica parehong natanso ng ba­ding?!

Angelica at Juday

Natawa na lang kami sa sinabi ni Judy Ann Santos na hindi raw siya na-in love sa isang bading.

Nasabi lang naman niya at naitanong dahil sa kuwento ng kanilang pelikulang Ang Dalawang Mrs. Reyes, kung saan pareho sila ni Angelica Panga­niban na nagkaroon ng asawang bading.

Naniniwala naman kami sa sinabi ni Juday. Papaano nga naman siya magkakaroon ng relasyon sa isang bading? Pero hindi mo masasabi na in the past, si Juday ay hindi rin nagkaroon ng crush sa isang bading. Siguro nga hindi lang niya alam na bading.

Hindi ba normal lang naman kasi lalo na sa mga kabataan na attracted sila at nagkakaroon ng crush dahil sa nakikita nilang hitsura ng tao? Matindi ang physical attraction eh. Pero hindi naman nila alam kung totoong lalaki ba ang mga iyon o ba­ding din. Marami ngayong hindi mo malalamang bading, maliban na lang kung aamin sila mismo.

Si Juday, normal naman ang kabataan niya, kaya hindi mo masasabing naiiba siya. Naroroon ang posibilidad na nagka-crush din siya sa bading.

Pero iyong pelikula naman nila ay isang co­me­dy. Kaya nga ibang reaksyon ang nakita sa kanilang dala­wa ni Angelica na parehong natanso sa kuwento.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Sinasabi nga rin nila na kadalasan ang mga misis na natanso, at nalaman nilang bading pala ang kanilang mga mister, nana­nahimik na lamang.

Mayroong ibang sinasabing iyan ang dahilan ng paghihiwalay. Pero sa mga pag-aa­ral, lalo na sa ating mga Pilipino, maraming mga misis ang nagtitiis na lang.

Pero nakakatuwa naman na ang ganyang klase ng subject ay nabubuksan na sa mga pelikula ngayon. Maganda ang ideya ng director na si Jun Lana, na umaamin naman na siya ay bading din. In fact, nagpakasal pa nga sila sa abroad ng kanyang long time partner, ang director ding si Perci Intalan. At least silang dalawa naging totoo sa sarili nila.

JC give up muna sa lovelife

Inamin naman ng actor na si JC Santos na nagkakalabuan na sila ng kanyang girlfriend, ang stage actress na si Teetin Villanueva. Hindi raw naman iyon dahil sa maiinit na eksena nila ni Ryza Cenon sa pelikula nilang Mr. & Mrs. Cruz pero may kinalaman din daw iyon sa kanyang career.

Ayaw pa ring magsalita ni JC at magbigay ng detalye tungkol doon, pero marami ang naniniwala na dahil nagkakasunud-sunod na nga ang kanyang mga pelikula, at ngayon ay puro mainstream movies na ang ginagawa niya, hindi na mga indie na lamang, baka naman nawawalan na siya ng panahon sa kanyang girlfriend.

Inamin naman niya na mahalaga ang kanyang girlfriend, lalo na nga at halos apat na taon na rin naman ang kanilang relasyon, pero sa ngayon daw mas mahalaga sa kanya ang career. After all, ang ganoong career ay pareho naman nilang pangarap.

Iyan talaga ang hirap kung minsan sa buhay ng isang artista. Nawawalan siya ng panahon sa personal na bagay.

Indie director ni Piolo natagpuang walang buhay!

Nakakagulat naman iyong balita na natagpuan na lang patay sa may hagda­nan ng kanyang inuupahang townhouse sa Mandaluyong City ang director ng isang indie film na ginawa ni Piolo Pascual, iyong Silong. Ang director ay kinilalang si Roy Sevilla, na sinasa­bing maaaring inatake sa puso o na-stroke. Mayroon na rin palang history ng stroke ang namatay na director. Iyang mga ganyan ang malulungkot na kuwento. Iyong mga kasama natin sa industriya, bagama’t hindi naman natin masasabing kaibigan natin, ay nawawala na.

 

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: