Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Pre-nup hirit ni Kris bago pumayag! Herbert sa harap lang ng kamera type pakasalan si Kris!

Herbert at Kris

Harutan at kulitan ang pagtatagpo nina Mayor Herbert Bautista at Kris Aquino sa kasal ng kasambahay ng huli na si Racquel Luntayao. Lu­mabas ang kasal at tsikahan nila sa official YouTube account ng Digital Queen.

Eh sa Quezon City Hall ginanap ang kasal at si Mayor Herbert ang nag-officiate nito. Beso-beso siyempre ang dating lovers pero humirit na si Mayor HB.

Tanong niya kay Kris, “Let’s get married?” Sinundan ito ng isa pang biro ni Mayor Bistek. “So Kris do you take me here present as your lawfully wedded husband” habang nagri-rehearse.

Matapos ang wedding, tuloy pa rin ang batuhan nila ng kantiyaw. “Siya itinuloy niya ang kasal,” sey ni Kris sa picture taking. “Nandiyan ba si judge?” tanong ni Mayor.

“We need a pre-nup,” buwelta ni Kris.

Of course, walang seryosohan ang tsikahan na ‘yun ng dalawa. Nu’ng huling text namin kay Ma­   yor Herbert kung kailan ang kasal niya, tugon niya, “Walang ganoon!”

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Maraming nakapila Larawan sa mga eskuwelahan babawi ng ipinuhunan

Hindi pa raw nakakabawi sa puhunan ang producers ng festival movie na Ang La­rawan. Aminado silang nagkaroon ng interest ang taong panoorin ito nang manalo ng Best Picture at iba pang awards nu’ng Gabi ng Parangal.

Nadagdagan naman ng kita ng movie pero hindi pa sapat ‘yung more than one week na showing nito upang makabawi.

Ang naging magandang epekto ng good reviews, nagkaroon ng interests ang mga eskuwelahan na hu­mingi ng screening ng movie. Naka-line up na ito sa maraming schools kaya malamang na doon makabawi sa investments ang mga producer pati na ‘yung mga bumakas.

Pero ayon sa producers, tuloy pa rin sila sa paggawa ng musical movies dahil nasimulan na nilang ipahatid sa Pinoy ang pasilip sa ating kultura.

Eh ang ex kaya?Angel handa anytime kay Luis

Handa na raw makipagtrabahong muli si Angel Locsin sa ex-boyfriend na si Luis Manzano ayon sa isa niyang interview. Rason niya, nakatrabaho na naman daw niya si Luis kaya walang problema kung magsama silang muli.

Sa ngayon, kapwa rin kuntento sa kani-kanilang lovelife sina Luis at Angel. May Jessy Mendiola na si Lucky at may Neil Arce naman si Gel.

Matatahimik na siguro ang bashers nina Luis at Jessy sa pagiging bukas muli ni Angel na makatrabaho ang kanyang ex-BF, huh!

 

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: