Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Janella at Elmo parang umamin na rin sa relasyon!

JanElmo

Kung pagbabasehan ang latest Instagram post ni Janella Salvador, mukhang sila na ni Elmo Magalona ang susunod na “team real” o ang susunod na aaming nagkakamabutihan na.

Kasama ni Elmo si Janella sa Boracay kung saan ginanap ang kasal ng kapatid ng aktor na si Maxene Magalona at mo­delong si Robby Mananquil last Thursday.

Tila naroroon na ang buong pamilya a day before the wedding dahil ang unang post ni Janella ay noong Wednesday na larawan nila ni Elmo na super-sweet sa isa’t isa.

Kahapon naman ay muling nagpiyesta ang kanilang mga tagahanga sa post ni Janella ng larawan nila ni Elmo habang naglalakad nang magka-hol­ding hands sa dalampasigan ng Shangri-La Boracay’s Resort and Spa.

Sa caption ay inilagay niyang “beautiful wedding + good company hehe hello it’s us again.”

Sa larawan ay hindi maikakailang may something beautiful going on na sa magka-loveteam.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Siyempre pa, tuwang-tuwa ang ElNella fans na noon pa’y gustung-gusto na talagang magkatuluyan sila. Lahat sila’y kinilig at inulan ng positive comments ang thread.

And in all fairness, Emo and Janella really look good together. Talagang bagay na bagay sila.

Ryza magiging Kapamilya na!

Para kay direk Sigrid Andrea P. Bernardo, isang malaking hamon ang pagsu-shoot ng Mr. & Mrs. Cruz sa Palawan at ang deskripsyon nga niya, literal na buwis-buhay ang nangyari sa kanila.

Sa isa sa kanilang mga shooting days, muntik nang ma-trap sa isang exclusive beach ang grupo matapos lumakas ang ulan at tumaas ang tubig.

Na-stranded daw sila for 2 hours sa gitna ng dagat, walang ilaw at napakadilim. Nagdasal daw talaga sila at nagbiro na napatawad daw nila nang mga sandaling iyon ang lahat ng kaaway nila.

Puring-puri naman ni direk ang mga bida niyang sina Ryza Cenon and JC Santos sa pagiging professional ng mga ito during the entire shoot.

Showing na sa Jan 24 ang Mr. & Mrs. Cruz hatid ng Viva Films and Idea First Company.

Ini-reveal din ni Ryza Cenon nang makatsikahan namin sa presscon ng Mr. and Mrs. Cruz na may offer sa kanya ang ABS-CBN at may posibilidad na lumipat siya.

Bagama’t hindi na ang GMA Artist Center ang humahawak sa career ni Ryza dahil lumipat na siya sa Viva Artists Agency last year pa, ayon sa aktres ay nananatili pa rin naman daw siyang Kapuso star and in fact, kasalukuyan siyang napapanood sa teleseryeng Ika-6 na Utos.

Malapit nang magtapos ang nasabing serye at wala pa raw sinasabi ang GMA 7 sa kanya na kapalit pero umaasa naman si Ryza na bibigyan siya ulit ng panibagong proyekto.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: