Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Namahalan na sa tuition ng 4 na anak Gladys stop na sa pagbubuntis!

Gladys

Nagkita kami ni Gladys Reyes sa beauty salon ni Bambbi Fuentes noong Huwebes dahil ni-remind niya ako tungkol sa renewal of vows nila ni Christopher Roxas na magaganap sa locale ng Iglesia Ni Cristo sa Tagaytay City sa January 23.

Kasama ni Gladys sa parlor ni Bambbi ang kanyang very cute na bunso na si Gavin. Ang sey ni Gladys, stop na ang pagbubuntis niya dahil mahal magpaaral at magpalaki ng anak.

Masuwerte sina Gladys at Christopher dahil mababait at artistahin ang kanilang apat na anak na malaki ang posibilidad na sundan ang mga yapak nila sa showbiz.

Guwaping na guwaping din si Grant, ang third child nina Gladys at Christopher na in demand naman sa mga guesting at papasa na commercial model.

Nakakabilib ang pagsasama nina Gladys at Christopher dahil kahit mga bata pa sila nang magpakasal, matatag na matatag ang pagsasama nila kaya hindi ako naniniwala na kapag bata na nag-asawa, medyo mahirap dahil hindi pa sila mentally and emotionally stable.

Mga teenage star pa lang sina Gladys at Christopher nang magkagustuhan pero ipagdiriwang na nila sa pamamagitan ng renewal of vows ang 25th anniversary ng kanilang relasyon.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Dapat tularan at magandang ehemplo ang dalawa ng mga young showbiz at ordinary couple dahil pinatunayan nina Gladys at Christopher na puwedeng magtagal ang mga relasyon na pinaiiral ang tiwala at sentro ng pagmamahalan ang Panginoon.

Billboard ng TOTGA agaw-pansin sa EDSA

Marami ang nagagandahan sa pang-summer na billboard ng The One That Got Away sa GMA 7.

Swimsuit ang mga outfit nina Lovi Poe, Max Collins, at Rhian Ramos samantalang topless naman sina Dennis Trillo, Jason Abalos, at Migo Adecer habang nasa swimming pool sila.

Takaw-pansin sa EDSA ang sexy billboard ng The One That Got Away na inihingi pa ng permiso sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Mapapanood na ang The One That Got Away simula sa Lunes, January 15 dahil ito ang ipinalit sa My Korean Jagiya na nagbabu kahapon sa TV.

Sana Dalawa… tatapatan ng GMA

Close To You ang alleged working title ng romantic comedy drama series ng GMA 7 na ipapalit sa The Lolas’ Beautiful Show kapag nagbabu na ito sa ere.

Hindi pa sinasabi ng Kapuso Network management ang cast ng Close To You pero may narinig ako na kasali si Camille Prats sa morning program na itatapat sa Sana Dalawa Ang Puso ng ABS-CBN.

Hintayin na lang natin ang official announcement ng GMA 7 tungkol sa bagong show nila na hahalili sa morning talk show nina Paolo Ballesteros, Wally Bayola, at Jose Manalo.

Mark naghubad sa libro

Pasabog ang sexy pictorial ni Mark Bautista para sa kanyang memoir, ang Beyond The Mark.

Hubad si Mark sa sexy pictorial nito as in parang nagpapahiwatig siya na mababasa sa kanyang biography book ang hubad na katotohanan tungkol sa personal life niya.

Sa true lang, marami na ang nag-aabang sa paglabas ng memoir ni Mark na lalong pinainit ng kanyang mga sizzling photo na makikita sa libro niya na nagkaroon ng katuparan dahil sa tulong ng VRJ Books Publishing, Inc.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: