Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Megan pakakasalan na si Mikael?!

Megan at Mikael

Halatang gusto na ring pakasal ni Me­gan Young.

Nakipag-unahan siya sa pagsalo ng bouquet ni Maxene Magalona na ganap nang Mrs. Robby Mananquil. Ikinasal sila sa Boracay nu’ng isang araw.

Kasama sa secondary sponsors ang beauty queen at ang boyfriend niyang si Mikael Daez.

Tiyak naniniwala rin naman ang former Miss World na kung sino ang nakasalo ng bouquet nang ikinasal, siya ang susunod na mag-aasawa.

‘Yan ay kung tatalaban siya. Hindi lahat ay epektibo ang nasabing paniniwala.

So malapit na nga bang ma­ging Mrs. Mikael Daez ang Kapuso actress/beauty queen?

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Walang masama kung magpapakasal sila.

Pangba-bash sa mga artista hanapbuhay na rin?!

Tama lang ang ginagawa ni Nadine Lustre na sinagut-sagot niya ang ibang trolls/bashers at sinasabi niyang hindi siya apektado.

At least natatameme ang iba at tumitigil sa pangba-bash.

Nadine

Kesa nga naman hahayaan mo lang silang nagtatambay sa social media account nila.

Nakakagulat lang talaga ang fans ngayon na babad sa pangba-bash sa social media. Parang wala na yata silang ginawa kung hindi magbantay ng mga sinasabi ng mga artista at maging ng fans ng kinaiinisan nilang artista. At mabilis silang mag-comment.

Or baka nga kumikita rin naman sila dun o hanapbuhay na kaya masipag sila at naka-focus sa ganun.

Wala naman kasi sigurong tao na maghapon nakatutok sa social media. Hahaha. Kaloka.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: