Entertainment Skinning Left, pagematch: , sectionmatch: 1
Entertainment ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

‘Dalawa Na Eat Blog Ko!’

ALL STARS! (right) Starzan of The Philippine STAR at Star Street in Hong Kong. Far right: STAR on Ang Poet Nyo’s left palm!

Natatandaan pa ba ninyo “Ang EAT BLOG Ko!”?

‘Yan title ng column ko almost one month ago,

Pero dun marami akong ‘di naikwento

Pagkat sa masarap na pigeon lang sumentro!

 

Tila ngang ang Tai Ping Koon binayaran ako

Entertainment ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Sa tindi ng papuring binigay ko dito!

At dahil waring CHI-BLOG na rin ‘tong column ko,

Ilalabas ko na ang EAT BLOG ko nang todo!

 

Kaming nagkita-kita sa Hong Kong ay pito —

Greg, Myrna, Danee, Maddie, si Eileen at ako,

Nandun din si Mike Enriquez na nagsosolo —

Kami nung sa Holy Land ang magkakagrupo!

 

Dun sa Israel nag-umpisa lahat ito,

At mula nun PILGRIMATES tinawag sa grupo!

Kung saan-saan na rin naglakbay sa mundo,

Para bang sa gawi ay mga retirado!

 

From PILGRIMS to PILGRIMATES ito na’y nabago

Pagkat sa pagbi-viaje ay alam naman n’yo —

Mga asawa namin ay shopping ang gusto!

Kaya BILI-GRIMS na tinawag namin dito!

 

Naturalmente hindi mawawala dito

Ang chibugan at kwento — biruan at seryo,

At nung December 4 dinner namin sa GIANDO

Nagkasarapan muli ang kain at kwento!

 

Ang Giando ay isang kainang Italyano,

At sa STAR STREET matatagpuan ito ninyo,

Dahil with Pilgrimates kinilabutan ako

Pagkat sa Bethlehem may kalye ring ganito!

 

Talagang you gain knowledge sa TRAVEL ang tao!

Kundi ba naman malalaman ko ba ito?

But sa LAYAS at LAMON na itinatakbo,

You not only gain knowledge and experience… WEIGHT too!

 

Ops, syanga pala itong Giando for your info,

Matatagpuaan s’ya sa Wan Chai na distrito,

‘Yang lugar na ‘yan kung naaalala pa n’yo —

“The World of Suzie Wong”… dating “red light” district ‘to!

 

William Holden-Nancy Kwan, 1960 film ‘to,

WILLIAM HOLDING NANCY’S KWAN ang biro pa dito!

At syanga pala baka lang tinatanong n’yo,

Korekek, ang Moon Street at Sun Street ri’y narito!

 

Op kors, habang naghahapunan ng risotto,

Naungkat na naman ang tungkol sa isang Santo —

Si Saint Augustine sa isang sinabi nito

Tungkol kahalagahan ng viaje sa tao!

 

Sinabi n’ya, “Ang daigdig ay isang libro,

At sa mga ‘di naglalakbay,” diumano,

“Isang pahina lang ang nababasa nito!”

Ano pa hinihintay n’yo? BOOKING na kayo!

 

Oks din nga pala Octopus Salad sa Giando,

Pero foie gras pa rin gusto ko sa risotto!

Ngayon, kung tanggap n’yong food blogging isang ito,

Aba eh DALAWA NA PALA ANG EAT BLOG KO!

Entertainment ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us:
Entertainment Skinning Right, pagematch: , sectionmatch: 1