PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

PCSO chairman nagbitiw!

MANILA, Philippines — Bumaba na sa pwesto si Philippine Charity Sweepstakes Office Chairman Jose Jorge Corpuz, ayon sa Malacañang ngayong Biyerenes.

Nagbitiw umano si Corpuz dahil sa kaniyang kalusugan.

"This is to announce that Mr. Jose Jorge Elizalde Corpuz has resigned as Chairman and Member, Board of Directors, Philippine Charity Sweepstakes Office due to health reasons," Roque said in a statement.

Nilinaw naman ni Presidential spokesperson Harry Roque na hindi si Corpuz ang tinutukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte na sisibakin niyang chairman.

"We wish him better health," ani Roque para kay Corpuz. "He was an invaluable co-worker in government."

Nitong Disyembre lamang ay kinuwestyon ni PCSO Board Member Sandra Cam ang magarbong Christmas party sa isang hotel sa Mandaluyong City.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Dinepensahan naman ni PCSO General Manager Alexander Balutan ang P6 milyong ginastos sa party at pinabulaanan ang pahayag ni Cam na inabot ito ng P10 milyon.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: