PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Miranda ginawang BCDA board

MANILA, Philippines — Pormal nang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si retired Philippine Army commanding general Glorioso Miranda bilang board member ng Bases Conversion and Development Authority.
 
Inilabas ng Malacañang ngayong Biyernes ang kopya ng appointment paper ni Miranda na nilagdaan ni Duterte nitong Enero 9.
 
Papalitan ni Miranda si Serafin Salvador Jr. 
 
Unang inihayag ni Duterte ang bagong trabaho ni Miranda sa change of command at retirement ceremony ng Army sa Taguig City noong Oktubre 5.
 
Miyembro ng Philippine Military Academy Class of 1983 si Miranda na nagretiro matapos maabot ang mandatory retirement age na 56.
 
Isa si Miranda sa mga datign sundalo na inilagay ni Duterte sa gobyerno matapos magretiro.
PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: