PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Digong may sisibakin na naman

MANILA, Philippines — Isa na namang mataas ma opisyal ng gobyerno ang mawawalan ng trabaho.

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na may papatalsikin siyang “chairman” ngayong linggo bilang bahagi ng kaniyang paglilinis ng mga tiwaling opisyal.

Hindi na naman nagbigay pa ng detalye si Duterte nang banggitin niya ito sa harap ng mga matataas na opisyal ng Philippine Amusements and Gaming Corp.

Samantala, may mga pulis din na sisibakin.

Nitong nakaraang linggo lamang ay sinibak si Maritime Industry Authority administrator Marcial Quirico Amaro III dahil sa umano’y napakaraming pagbiyahe sa ibang bansa.

Nilinaw naman ni Amaro na alam lahat ng Transportation department ang kaniyang mga biyahe.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Nauna na rin sa listahan ng mga napatalsik sina Presidential Commission on the Urban Poor chief Terry Ridon at Dangerous Drugs Board chief Dionisio Santiago.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: