PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Roque hindi na alam ang magagawa ni Digong sa kaso ni Veloso

MANILA, Philippines — Nasa kamay na ng gobyerno ng Indonesia ang kahihinatnan ng buhay ni Mary Jane Veloso, ayon sa Malacañang ngayong Huwebes.

"I don’t understand what exactly the president can do in this regard," wika ni Roque.

Umapela kahapon si Veloso kay Pangulong Rodrigo Duterte na payagan siyang tumestigo laban sa kaniyang mga recruiter na sina Cristina Sergio at Julies Lacanilao.

Aniya paano niya maipagtatanggol ang sarili kung hindi siya papayagang tumestigo sa mga nanloko umano sa kaniya.

“President Duterte, just like the case I am facing now, if you will not give me a chance to testify to reveal the truth in this case, how then will you be able to know that I am only a victim and the one who violated the law was Cristina Sergio?” sabi ni Veloso sa recorded message.

Hindi natuloy ang pagbitay kay Veloso noong Abril 2015 matapos ipakiusap ni dating Pangulo Benigno Aquino III sa gobyerno ng Indonesia.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: